Reincarnation

View previous topic View next topic Go down

Reincarnation

Post  corezz on Mon Mar 29, 2010 3:47 am

As always! Madaling araw na naman nakauwi si Rikardo galing sa inuman at lasing na lasing. Pagdating nya ay tulog na ang kanyang misis kaya tumabi nalang sya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, Sa muling pagmulat ng mata ni Rikardo ay nakita nya na ang katabi ay isang lalaki, bigla syang nagulat at bumangon!

Rikardo: Sino ka! At ano ginagawa mo dito sa Kwarto namin?!

San Pedro: Huminahon ka Rikardo. Hindi ito ang kwarto nyo
at ako ay si San Pedro

Rikardo: Ha? Kung ganon patay na ako!

San Pedro: Ganon na nga iho.

Rikardo: HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi
nagagawa ang dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka San Pedro pabalikin mo ako sa lupa kahit manlang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa Buhay!

San Pedro: Teka Huminahon ka. Hindi ka na pwede bumalik
bilang ikaw pero pwede kita I reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!

Rikardo: mmmm kung bayawak baka mapatay uli agad ako.
Inahing manok nalang po San Pedro, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para maging malapit ako sa pamilya ko!

San Pedro: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo

At muling nabuhay si Rikardo bilang isang inahing manok.
Nakita nya ang sarili na puno ng balahibo at kasama nya ang ibang mga inahing manok sa bukid nila. Kinausap sya ng isa pang inahing manok na si Susy

Rikardo: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling.
Teka bakit parang umiinit ang tyan ko at kumukulo?

Susy: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang
pakiramdam kapag malapit ka na mangitlog. Magrelax ka lang at hayaan mo syang dumaloy.

Rikardo: Ano? Mangingitlog ako!!. Oo nga pala inahin nga
pala ako kaya normal lang siguro yun.

Kahit medyo kinakabahan si Rikardo ay sinunod nya si Susy
at nailabas nya ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay gminhawa ang pakiramdam ni Rikardo.


Rikardo: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog,
napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, Para akong isang ina na nagsilang ng sangol napakasarap, ngayon ko lang naramdaman ito....Pero teka bakit parang meron pa?

Susy: Hwag ka mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok
kaya natin mangitlog ng isa hangang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo silang lumabas

Rikardo: Ganon ba? O sige. Maraming salamat Susy! Hindi ko
maintindihan ang nararamdaman ko pero totoong nakaka-antig ng damdamin.

At muli nanaman nagitlog si Rikardo. Gumaan muli ang
pakiramdam nya napangiti at nasabi nya sa sarili nya na ito ang
pinakamasarap na naramdaman nya sa buong buhay nya kahit na noon namumuhay pa sya bilang isang tao, Halos mapaluha sya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni Rikardo ang pangatlo nyang itlog ng biglang may matigas na bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig syang malakas na sigaw.





Misis: Hoooy! Gumising kang Demonyo ka! Lasing ka na naman at bakit ka ba tumatae sa kama !!!

corezz

Posts : 6
Join date : 2010-03-29

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum